
Ang kandilang ito ay nagkakahalaga ng limang piso... kanina.
Ito ay binili ng isang 10-taong gulang na bata na nagnanais na matapos ang kanyang takdang aralin sa gitna ng init at dilim ng brownout. Ang perang ipinambili ng kandilang ito ay dapat na pambili ng sabaw na magsisilbing niyang ulam para sa hapunan, ang tanging halagang iniwan sa kanya ng kanyang ina sa bago ito umalis noong hapon para pumasok sa trabaho. Ngayon, ubos na ang kandila, hindi pa tapos ang kanyang mga sulatin, kumakalam na rin ang kanyang sikmura.
Subukan mong isipin:
1. kung ikaw ang bata, bibili ka ba ng kandila o ng sabaw?
2. kung ikaw ang ina, hahayaan mo bang ganun ang sapitin ng iyon anak o hahantong ka sa prostitusyon, pagnanakaw at kung anu-ano pa para makaahon sa inyong kinalulugmukan?
3. kung ikaw ay may matang mapanghusga, agad mo bang sisisihin ang ina, ang bata, ang gobyerno, ang simbahan, o itatanong mo muna kung bakit ganoon ang kalagayan nila?
4. kung ikaw ang guro ng bata, mag-aatubili ka pa bang itanong kung bakit hindi nya natapos ang kanyang takdang aralin o agad mo syang palalabasin ng silid aralan na magtutulak na lalo syang walang matutunan?
5. kung ikaw ikaw, ano ang iyong magagawa?
nakakalungkot pero ito ang payak na katotohanan na sumasaklaw sa lipunan ngayon.... sana may maisagot ako sa panglimang tanong.
No comments:
Post a Comment